Pinapagod mo lang sarili mo, wala ka namang napapala, nagsasayang ka pa ng pera tapos dilikado yang ginagawa mo o sawi ka ba sa pag ibig kaya't na mumundok ka? Kasi yan ang uso ngayon eh “Nagmahal, Nasaktan, Namundok” ika nga nila.. Iilan lang yan na laging sinasabi sa akin. Pero hindi naman lahat ng namumundok eh sawi sa pag ibig diba? Sa katunayan, punong-puno ako ng pagmamahal… mula sa pamilya, kaibigan at marami pang iba! Aaminin ko delikado ang pamumundok, pero sa bawat hakbang pakiramdam ko lumalakas ang loob ko at kaya kong labanan ang akin mga kahinaan at naniniwala ako na mas nagiging matibay ako. Para kasing gamot sa akin ang pamumundok. Yung tipong lubhang nagugulohan ako sa baba pero sa bundok, nararamdaman ko ang kapayapaan sa aking paligid at kapayapaan sa aking sarili. Nakakagaan talaga ng loob dahil sa magagandang tanawin, malamig na simoy ng hangin pati munting huni ng mga ibon. Iba talaga ang kasiyahan na madarama. Maraming aral din akong natutonan dahil sa pamumundok at nais kong alagaan at protektahan ang kalikasan. Nabago talaga nito ang aking paningin sa mundo sa mabuting paraan. Marami akong nakilalang mga nakakamanghang tao na hindi ko lubos naisip na may ganoon pala. Mas napapamahal ako sa mga bagay na ginawa ko dahil sa pamumundok. Kahit sobrang hirap magpa-alam sa aking ina at kuya kapag ako ay mamumundok, syempre dahil buhay ang nakataya at maraming hindi inaasahan na maaring mangyari. Buti na lang at may ate ako na mahilig din mamundok, madalas kaming umakyat na magkasama kaya napapayag nalang ang ina at kuya ko sa amin kasi di kami mapigil sa kagustuhan naming na umakyat. Hanggat kaya ng buto, kahit anong edad ko pa, mamumundok at mamumundok ako. In Sha Allah!

- Qapwa

Related Stories

My favorite memory in high school are all the times I’ve spent with my barkada. We’ve been friends for six years now. Our parents are also close friends so even if we live away from one another, . . . Read More

Meet Maimon, a mother and a war survivor. Hear her accounts of her experience during the Fall of Camp Abu Bakr on year 2000. “Nandoon ako mismo nung nangyari ang Giyera sa Camp Abu bakr.Kitang . . . Read More

You start to feel that sense of contentment when you learn that there are a lot of sources of fulfillment in this life. For me every trial means a goal to overcome it. I am a mother of three boys. I . . . Read More

The Underground River was the best tourist spot I visited here in Palawan. As a resident of Palawan, I got to see at a discounted rate! I went to the River without any prior knowledge on it. Lucky . . . Read More

I come from Zamboanga and she’s from Cotabato. It’s our first time in Manila and there’s so much traffic. Yesterday, we went around Rizal park and we really liked the sunset in Manila Bay. This . . . Read More

I arrived in Saudi Arabia during the month of Ramadan. As a Muslim, it was always my dream to visit and now I work here as a nurse in Makkah. I had a lot of hopes and positivity. I knew this is my . . . Read More