Meet Asnina, a self-confessed teacher's favorite and spends her time learning the ways of being a Muslim and a Filipino. “Iba't ibang subject ang itinuro sa amin sa Madrasa, may Math, may History rin. Ang Tagalog History tina-translate nila sa Arabic. Pareho rin ang itinuturo nila, ginagawa lang na Arabic. Malaki ang maitutulong nito kasi kapag nagpunta na kami ng Saudi Arabia marunong na kami mag-Arabic. Sa aming mga Muslim kasama sa tradisyon namin ang magpunta sa Saudi. Simula kinder narito na ako. Lahat ng naging teacher ko paborito ko. Paborito kong subject ay Kiraa, iyon ang subject kung saan itinuturo ang translation. “Nag-aaral din ako sa Ramon Avanceña High School malapit sa Malacanan. Grade 10 na ako. K to 12 na kami, madadagdagan na kami ng two years bago mag-college. Mixed kami doon, may mga Christian at Muslim. Kapag nandoon na, lahat magkakaibigan, kahit Kristyano man o Muslim. May kaibigan ako si Mary Jun, nagtitinda ang pamilya nila ng mga Santo. Transferee si Mary Jun, noong una natatakot siya kasi akala niya ang mga Muslim ay masasama. Sa school kasi namin mas marami ang Muslim. Pero noong lumipat na siya mas marami siyang naging kaibigan. Mas nakilala niya ang totoong Muslim. Lumalabas kami minsan kapag half-day lang ang klase. Nag-a-arcade kami sa mall. Masaya! Marami kaming ginagawa tapos sabay kaming umuuwi.”

- Stories of Bangsamoro
Stories of Bangsamoro

Related Stories

Meet Princess,9 years old from Taguig.She likes Math and Crispy Chicken. Using her favorite Disney characters,she shares what is more important. "Gusto ko po si Cinderella dahil maganda sya at si . . . Read More

Meet Jarood,10 years old,Grade 5 of Ibn Khaldon Asian Integrated Institute,Taguig.His favorite subject is English.Even though he has the chubbiest cheek and cheeriest attitude,he share his serious . . . Read More

I like saying 'Yow' to people who are not familiar with my dialect. It's my way of saying hello to them — hoping that if they'd understand me, they'd give me food or cash. I live in one of the . . . Read More

Madalas kaming naglalaro ng play doh, tren-tren at saka Chinese garter. Palagi kaming magkakalaro, madalas din kaming nag-aaway! Kanina nga lang nag-away kami eh, pero nagbati rin kami . . . Read More

Meet the kids of Culiat and their pabebe waves - Marha, Rezel, Armaida, Malyn, and Al Mashier. They tagged along our interview until we snapped this photo of them. “Madalas kaming naglalaro ng . . . Read More